Nagdadalamhati ngayon ang mga mag-aaral ng Saint Louis University sa Baguio City matapos pumalo na umano sa sampu ang kaso ng suicide sa kanilang mga ka-eskwela.

Larawan: Talitha Laurenta/FB

Sa isang Facebook post, makikita na sama-samang nagsindi ng kandila ang higit 400 na mag-aaral ng nasabing pamantasan upang ipagluksa ang mga kapwa mag-aaral na sumuko na, gayundin ay upang i-ere ang kanilang panawagan na "academic break."

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"Nakakaiyak, Please help us spread this! this is happening right now in front of SLU (BAGUIO) This is us reaching out to you, SLU. You tell us to reach out but whenever we do, we have to exhaust ourselves just for a grain of response. Nakakapagod magmakaawa para sa pahinga at awa. Pahinga lang, SLU," ani ng isang mag-aaral mula sa SLU.

Larawan: Talitha Laurenta/FB

Dagdag pa nito, "There are students committed suicide this month,grabe SLU, do something. passing rate ng school sa board exams ang pinapataas, hindi suicide rate! consideration naman diyan! ur all talk but no action."

Nagpahayag naman ng pakikiramay at pagsuporta sa panawagan ng mga mag-aaral ng SLU ang iba't-ibang grupo at unyon ng mga estudyante.

Sa pahayag na inilabas ng National Union of Students of the Philippines (NUSP)-Cordillera noong Oktubre 30, sinabi na na naghain na ito, kasama ang iba't-ibang alyansa ng mga mag-aaral sa SLU at Metro-Baguio, ng isang sulat-panawagan sa administrasyon ng SLU upang magkaroon ng city-wide academic break.

"The National Union of Students in the Philippines Cordillera grieves with the Louisians and stands with the whole studentry for the call #LigtasNaBalikEskwela. #AcademicBreakNowSLU, #WalangIwananLouisian," pahayag ng NUSP Cordillera.

"This is after the alarming effects on students' mental health regarding heavy workloads. Given the rushed school calendars amid the pandemic, students are faced with continuous requirements and exams without rest or break. We continue to call for ample time for students' health and wellness break to recover from exhaustion that flexible learning has brought about," dagdag ng NUSP Cordillera.