Iginiit ng Commission on Higher Education (CHED) sa gobyerno na maturukan na ang estudyante sa kolehiyo ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

“Our target is 100 percent, all students should be vaccinated,” ayon kay CHED Chairman Popoy De Vera nang dumalo sa isang ceremonial vaccination ng mga estudyante sa Quezon City nitong Biyernes.

Inuuna aniya ng mga paaralan ang mga estudyanteng saklaw ng degree programs upang mapayagan sila sa limited face-to-face classes.

Matatandaang pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdaos ng limited face-to-face classes ang mga kumukuha ng kursong Medicine at Allied Health Sciences noong Enero.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga