Patay ang isang print at broadcast journalist matapos barilin sa loob ng inuupahang apartment sa Bansalan, Davao del Sur nitong Sabado ng gabi.
Dead on the spot ang biktimangsiOrlando “Dondon” Dinoy sanhi ng tama ng bala sa ulo.
Si Dinoy ay nagsusulatsa Newsline Philippines sa Davao City at isa rin siyang volunteer anchor ng Energy FM na naka-base sa Digos City.
Dati rin itong correspondent ng Philippine Daily Inquirer at Sun.Star SuperBalita.
Sa paunang ulat ng pulisya, pinasok ng hindi nakikilalang lalaki ang kanyang apartment na nagsisilbing broadcastoffice nito bago ito binaril.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.
PNA