Nanguna si Presidential aspirant at Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa Kalye Survey sa Mindanao na isinagawa ng ilang mga vloggers.

Sa isinagawang survey ng mga Vloggers ng Bugwak TV sa Butuan City, Gingoog, Misamis Oriental, at Surigao City ipinakitang si Marcos ang pinipiling kandidato sa pagkapangulo ng mga working class.

Ang mga vloggers ay umikot sa mga kalye, downtown, terminal ng bus, at mga marketplace na kung saan sila ay lumalapit sa mga indibidwal at pinapipili sila kung sino ang kanilang presidential bet.

“Pinaka-da Best sa pagka-presidente ng ating nasyon. Kwalipikado," ayon sa empleyado ng city government at ipinaliwanag ang kanyang napili.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Lahat kami dito, Bongbong. Wala ng iba, Bongbong lang," ayon sa isang security guard.

“May klarong programa, di lang para sa bayan niya kundi sa buong Pilipinas. May political will. Siya ang pinaka-qualified, hindi lang pansariling interes ang iniisip niya," sabi ng isang tricycle driver sa Gingoog.

Ipinakita ng real time, real man surveys ang resulta ng Presidential Preference Survey of PUBLiCUS Asia Inc,. na nakakuha si Marcos ng 62.5 na porsyento ng voter preference sa Mindanao.

Melvin Sarangay