Hindi kagandahang balita sa mga consumer.
Asahan na naman ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis ng malaking dagdag-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas o LPG sa Nobyembre 1.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng P2.70 hanggang P3.00 ang presyo ng kada kilo ng LPG o katumbas ng P29.70-P33.00 sa bawat 11 kilogram na tangke nito.
Ang napipintong price adjustment ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa Department of Energy (DOE) naglalaro ang bentahan ng regular na tangke ng LPG sa P832-P1,040.
Bella Gamotea