Itinakda na ng Department of Education (DepEd) ang school holiday break para sa School Year 2021-2022.

Sa isang paabiso nitong Sabado, inianunsiyo ng DepEd magsisimula ang holiday break ng Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 2, 2022.

Anang DepEd, ito’y alinsunod sa Order No. 29, series of 2021.

Inaasahan namang magbabalik ang klase ng Enero 3, 2021.

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

Ang School Year 2021-2022 ay nakatakda namang magtapos sa Hunyo 24, 2022.

Mary Ann Santiago