Nasayang lamang ang pagod ng daan-daang residente ng Quezon City matapos silang dumagsa sa QC Hall nitong Biyernes dahil sa pamimigay umano ng₱10,000 para sa mga naapektuhan ng pandemya.
Sa isang television interview, nilinaw ni Mayor Joy Belmonte na "fake news" ang kumalat na impormasyon na namimigay ang pamahalaang lungsod ng₱10,000 ayuda.
Ayon sa alkalde, ang mga pinapipila sa QC Hall ay ang mga magbibigay ng mga requirement para sa "Pangkabuhayan QC" program kung saan ang mga kuwalipikadoay makatatanggapng mula₱5,000 hanggang₱20,000.
"Around 85 percent ng pumunta,₱10,000 ayuda ang hinahanap," pahayag pa ng alkalde.