Nananatiling mabagsik ang Taal Volcano sa Batangas matapos makapagtala ng 103 na lindol ang mga State seismologist sa nakalipas na 24 na oras.

Sa naitalang 103 na lindol, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na 21 ay volcanic tremor events sa loob ng isa o dalawang minuto, 74 naman ang low-frequency volcanic earthquakes, at walo ang hybrid events at isang low-level background tremor na nanatili simula pa noong Hulyo 7.

Ang aktibidad sa ain crater ay pinangungunahan pa rin ng pagtaas ng mainit na volcanic fluids sa lawa nito na nagdulot ng plumes na 1,200 metro ang taas, ayon sa Phivolcs.

May average na 5,943 tons ang sulfur dioxide emission na sinukat noong Biyernes, Oktubre 29.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Based on ground deformation parameters from electronic tilt, continuous GPS and InSAR monitoring, Taal Volcano Island has begun inflating in August 2021 while the Taal region continues to undergo very slow extension since 2020,” anang Phivolcs.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na nasa alert level 2 pa rin ang Taal Volcano.

“At Alert Level 2, sudden steam- or gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within and around TVI," dagdag nito.

Nasa alert level 2 ang bulkan simula noong Hunyo 23, 2021.