Bad news na naman sa mga motorista.
Nagbabadyang muli ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Nobyembre 2.
Sa pagtaya ng industriya ng langis,posibleng tataas ng P1.05 hanggang P1.15 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P0.40-P0.50 sa presyo ng diesel at P0.30-P0.40 naman marahil ang idadagdag sa presyo ng kerosene.
Ang napipintong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sakaling ipatupad sa Martes, ito na ang ika-10 na linggong oil price hike ng mga kumpanya.
Noong Okthbre 26, huling nagtaas ng P1.15 sa gasolina, P0.55 sa kerosene at P0.45 naman sa diesel.
Kamakailan mariing kinukondena ng mga transport group ang hindi maawat na oil hikes kung saan ipinapanawagan nila sa gobyerno na suspendihin muna ang excise tax sa produktong petrolyo at siyasatin ang umano'y labis na taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa bansa.
Bella Gamotea