Magandang balita dahil humakot ng mga parangal ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa katatapos na Digital Governance Awards 2021 dahil sa episyenteng sistema nito sa mga pagtugon sa aspeto ng edukasyon, pandemya at negosyo sa kabisera ng bansa.

Ayon kay Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno, natamo ng Maynila ang Best in Customer Empowerment Award para sa‘Connection for Inclusion’ (first place, city level); Best in LGUEmpowerment Award para saCOVID-19 Testing Center Web Lab-IS (first place, city level) at Best in Business Empowerment Award para sa GO Manila App end-to-end solution (2nd place, city level).

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Moreno ang DICT sa tatlong karangalan na ipinagkaloob sa lungsod.

Sinabi ng alkalde na magbibigay ito sa kanila ng inspirasyon upang higit na mapagsilbihan ang mga Manileño at maging ang mga nagdadala ng kanilang negosyo sa lungsod dahil makaeengganyo ang mga ito ng mga mamumuhunan sa kabila ng pandemya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Para sa unang karangalan, pinasalamatan ni Moreno si DivisIon of City Schools Superintendent Magdalena Lim sa epektibong pamamahagi ng free tablets, laptops at 10gb bandwidth sa libo-libong mag-aaral at guro sa pampublikong paaralan na naging dahilan upang tanggapin ang karangalan sa DICT.

Sa ikalawang karangalan naman ay binigyang pagkilala ng alkalde si Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla at ang lahat ng medical at health frontliners para sa kanilang sakripisyo at pagtugon sa pandemya. Binanggit din ni Moreno ang ilang nahawahan ng COVID-19 at nasawihabang naglilingkod.

“Maraming salamat sa inyong mga hirap, pagod, pawis at ‘yung iba na-impeksyon at nasawi pa. Salamat kay Dra. Padilla sa magandang sistema ng pamamalakad ng data at communication system ng ating COVID-19 testing center sa Sta. Ana Hospital,sampu ng iyong mga kasamahan.I’m so proud of you,” sabi ng alkalde.

Pinuri din ng alkalde sina Bureau of Permits and Licensing Office head Levi Facundo at Electronic Data Processing chief Fortune Palileo na ayon sa kanya ay siyang dahilan kung bakit natanggap ng lungsod ang ikatlong karangalan dahil naging madali at maginhawa ang pagnenegosyo sa Maynila.

“Ang mga award na ito ay mga sukli ng ating pagsisikap at pagpupursigi na di matatawaran dahil ahensiya ng gobyerno ang nagbigay niyan.Last year, na-grand slam natin ang DTI tapos out of over 600 cities, nag-Top 50 ang Manila and Butuan, dalawa lang sa buong bansa,” pagmamalaki ni Moreno.

“Congrats to the city, to team Manila at sa mga Batang Maynila. This is for you. Unti-unti at patuloy na kInikilala ng ibang mundo at maging ng national government at malalaking organisasyon ‘yung ating sama-samang pagsisinop, pagsisikap at pagiging episyente natin, kahit sa loob ng maikling panahon,” aniya pa.

Pinasalamatan rin ng alkalde ang DICT hindi lamang sa pagkilala kundi maging sa premyo na kinabibilangan ngTV na magagamit ng lungsodsa digital conferencing at access sa digital learning.

Mary Ann Santiago