Maraming mga beks at babes ang nasusuwertehan at napapa-sana all sa komedyante at Beks Batallion member Lassy marquez dahil naka-eksena niya ang hunk actor na si Kit Thompson para sa pelikulang 'Sarap Mong Patayin' sa direksyon ni Darryl Yap, na mapapanood na sa Vivamax.

Nausisa si Lassy kung paano niya ilalarawan ang 'frontal asset' ni Kit, na syempre ay nasight sung niya sa kanilang mga taping.

"Ay grabe! Makikita mong parang footlong. Hahaha! Yung pwede pang hatiin sa dalawa, huh. Ang laswa! Charot!” kuwelang pagbabahagi ni Lassy.

Unang beses umano nilang magkita ni Kit at aminado siyang natakot siya rito dahil lahat kay Kit ay 'malaki'.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Si Kit as in first time talaga. Noong nakita ko siya oh my God ang laking mama. Nag-storycon pa lang nung nakita ko siya sabi ko hala ang laki ni Kit. Tapos tinitingnan ko yung kamao, napakalaki. Baka masasapak ako talaga pag nagkamali ako, baka sapak agad. Pero hindi, napakabait ni Kit at napaka-professional. Ang daling kausap," sey ni Lassy.

Para kay Lassy, ang pinakamahirap na eksena sa pelikula ay ang 'love scenes' nila ni Kit. Katakot-takot na pagpapaalam muna ang ginawa niya, lalo na sa bahaging kailangan niyang dilaan ang nipples nito.

“Yung scene na mahirap sa akin actually yung may mangyari sa amin ni Kit eh. Nahirapan din ako doon kasi hindi ko alam yung nararamdaman ni Kit na habang ginagawa ko 'yun. Yung parang, ‘Ano ba ‘to nandidiri ba siya sa akin?’ Hindi ko alam yung feelings ni Kit. Yun yung medyo nahirapan ako. Kasi hindi ko alam kung ano yung naglalaro sa isip ni Kit. At saka mahirap din yung kausapin si Kit, kasi natatakot ako sa gagawin ko sa kanya. Kaya ako nakiusap, ‘Kit, puwede ba natin gawin?'", pag-amin ni Lassy.

"Tinanong nga ni direk si Kit. Eh si Kit naman papayag. Tapos inutusan ako ni direk, ‘O Lassy ikaw naman magtanong kay Kit.’ So lumapit ako na puwede ko ba gawin ito? Tapos nung umoo si Kit, tumatakbo na ako kay direk, ‘Direk pumayag!’ Yun pala nag-usap na pala sila. So sinubukan lang pala ako,” dagdag pa niya.

Hinikayat ni Lassy ang mga manonood na suportahan nila ang kanilang pelikula nina Kit Thompson at Ariella Arida.

“Lahat ng mga nangyari sa movie na ito ay totoong nangyayari sa buhay ng tao. At kahit saan man sa mundo 'yan ay nangyayari talaga ito so my reality talaga sa pelikulang ito at siyempre huwag na huwag kayong magda-drugs dahil napakasama talaga."

"Lumalabas yung mga imahinasyon n'yo na mali na akala niyo totoo tapos hindi pala. So walang maidudulot na maganda ang pagda-drugs at manggamit ng imahe ng ibang tao para lang makapamera at siyempre para makuha mo yung gusto mong tao na gusto mong may mangyari sa inyo, yung ganun."