Upang mapabilis ang rollout ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine, hinimok ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang local government units (LGUs) na maging malikhain sa kanilang inoculation strategies, kabilang ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination.

Inihayag ni Assistance Secretary Wilben Mayor, head ng sub-task group on current operations ng NTF, ang naturang rekomendasyon sa pagdating ng 973,440 doses ng government-procured Pfizer vaccine nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 29.

“’Yong mga house-to-house na mga strategy ng ating local governments ay mga innovation nila iyon so kanya kanya silang creativity. Anything that would facilitate and expedite the inoculation is encouraged to all LGUs,” ani Mayor sa mga mamamahayag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ni Mayor na ilan sa mga LGUs na ang nagsasagawa ng house-to-house inoculation para sa mga indibidwal na hindi makapunta sa vaccination sites, partikular ang mga senior citizens.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

“Ang mga vaccinators ang pumupunta na sa mga bahay-bahay. Alam naman natin ang mga seniors hindi makakapunta sa lugar ng mga inoculation so sila na mismo ang pumupunta," aniya.

“We have so many supplies of vaccines coming in kaya kailangan mapush natin ‘yon," dagdag pa niya.

Umabot na sa 101,501,680 doses ang vaccine supply sa bansa kabilang na ang kararating lang na Pfizer jabs.

Mula sa suplay, nakapag-administer na ang gobyerno ng 58,879,887 doses, ibig sabihin ay nasa 43 na milyong dosesang nasa warehouses.

Ilan sa mga fresh supply ng Pfizer vaccines ay gagamitin sa inoculation ng mga batang may edad na 12 hanggang 17. 

Matatandaan na nitong Oktubre 15 ay sinimulan na sa Metro Manila ang pagbabakuna sa mga batang may comorbidities.

"By November 3, magsisimula na tayo sa [nationwide] inoculation ng adolescents kasama ang Pfizer," ani Mayor.

Martin Sadongdong