Dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya kontra iligal na droga, inaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano'y lider ng isang drug group sa Navotas City kamakailan.

Kinilala ni NCRPO director Vicente Danao, Jr ang naaresto si Rodolfo Reyes, alyas "Ompong," 43, na sinasabing miyembro ng Sputnik gang at taga-Barangay Longos, Malabon City.

Sa police report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit,  Intelligence Section at Navotas City Police-Special Weapons and Tactics (SWAT) team sa C3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran ng lungsod na ikinadakip ng suspek, dakong 11:00 ng gabi ng Oktubre 28.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Nasamsam sa suspek ang ₱68,952 na halaga ng shabu, 9,500 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱1,140,000, marked money, drug paraphernalias, Ingram X9 shooter, magazine nito, limang bala ng 9mm pistol, at isang motorsiklo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Bella Gamotea