Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na huwag harangan o paradahan ang mga bicycle lanes sa Metro Manila.
Sa pahayag ng MMDA, ang mga bicycle lanes sa ilang pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR) ay para sa mga nagbibisikleta sa gitna ng limitadong operasyon ng pampublikong transportasyon ngayong may pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Paglilinaw pa ng ahensya, ang pagparada rito ay itinuturing na illegal parking at maaaring hulihin ang mga lalabag nito.
Bella Gamotea