Kinasuhan ng double murder ang international TikTok Star na si Ali Abulaban o mas kilala bilang JinnKid matapos umano nitong patayin ang kanyang Pinay na asawa at ang pinaghihinalaang kalaguyo nito.

Screenshot mula sa ulat ng Fox 5

Pinaghihinalaang binaril umano ni Abulaban ang kanyang misis na si Ana Abulaban, 28 at ang umano'y "lalaki" nito na si Rayburn Barron, 29, sa isang high rise building sa San Diego.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Larawan mula sa Facebook ni Ana Mare Abulaban

Sa isang ulat sa Fox 5, sinabi ni Deputy District Attorney Taren Brast na naniniwala umano si Abulaban na niloloko siya ng kanyang misis.

Ayon kay Brast, noong Oktubre 18, nag-check-in sa isang hotel si Abulaban matapos siyang paalisin ng kanyang asawa sa kanilang apartment.

Gayunman, sikretong nagtago umano ng duplicate ng susi si Abulaban ng kanilang apartment at bumalik doon matapos ang tatlong araw na kung saan nag-install ito ng listening app sa iPad ng kanyang 5 taong gulang na anak na babae at tsaka umalis.

Noong Oktubre 21, ginamit ni Abulaban ang listening app at narinig niya ang kanyang asawa na may kausap na lalaki at nagtatawanan umano ang mga ito.

Sinabi ni Brast, na pumunta si Abulaban sa apartment nilang mag-asawa at tatlong beses na binaril si Barron-- isa sa leeg, sa pisngi at sa likod ng ulo, bago barilin sa noo ang kanyang asawa.

Wala ang kanilang anak nang mangyari ang insidente.

Nakita umano sa video surveillance ng apartment complex na nagtungo nga sa apartment ang nasasakdal.

Matapos ang insidente, sinundo ng TikToker star ang kanyang anak sa eskwelahan. Tumawag siya sa kanyang ina at inaming pinatay niya umano ang kanyang asawa.

Ayon pa kay Brast, may plano umanong maghain ng restraining order ang ginang laban sa kanyang asawa noong nakaraan buwan at tumawag umano ng pulis upang i-report ang kanyang asawa matapos umano siyang saktan nito.

Hindi pinayagan ng hukuman na makapagpiyansa si Abulaban dahil maaari umano itong maging mapanganib.

Isang protective order naman ang inilabas ng korte upang pagbawalan siya na makipag-ugnayan sa miyembro ng pamilya, kabilang ang kanyang na anak na babae na nananatili na ngayon sa isang miyembro ng pamilya.

Sa ngayon, patuloy pa rin iniimbestigahan ang kaso.

Kung mapapatunayang nagkasala si Abulaban, posible umano itonghatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo, ayon sa ulat ng isang pahayagan.

Nakilala si Ali Abulaban o Jinnkid sa kanyang mga comedy skits. Mayroon na siyang mahigit 950k followers sa Tiktok at mahigit 170k subscribers sa YouTube channel nito.

Screenshot mula sa TikTok ni Jinnkid

Minsan ay isinasama niya sa video ang kanyang asawa na si Ana.

Gumagawa rin ng mga TikTok videos si Ana at madalas makita dito si Ali na tila sweet umano at walang problema ang kanilang relasyon.

Madalas din makita ang hashtag #Filipino sa mga videos niya sa TikTok.