Kinuhang PhilippineStatistics Authority (PSA) ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli bilang mga ambassador para sa national ID o Philippine Identification System (PhilSys).

“Nagpapasalamat po kami sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagpili sa amin bilang PhilSys ambassadors. Marami pong benefits na makukuha ang mamamayang Pilipino with the Philippine Identification System," ani Geronimo sa virtual launch ng PhilSys Facebook page nitong Oktubre 25.

“Nung nalaman po namin ‘yung tungkol dito sa national ID, I was very excited, I even told Sarah about it. Talagang na-excite kaming dalawa, kasi maraming matutulungan [ang PhilSys] sa bansa natin and abroad," ayon kay Guidicelli.

Sa 20-minute video, na pinangunahan ni Director Vinci Beltran ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), opisyal campaign partner para sa PhilSys, ay itinampok sina Geronimo at Guidicelli na magbibigay ng run-through ng mga pangunahing at mahalagang impormasyon tungkol sa PhilSys katulad ng PhilSys Number (PSN) at PhilSys Card Number (PCN).

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Na-experience ng mag-asawa ang Online Step 1 Registration sa pamamagitan ng pag-log in sa registration portal ng PhilSys.

Ipinakita nila kung gaano naging mabilis at naging madali ang proseso. 

Nagbigay rin sila ng mga paalala sa mga protocols na dapat sundin upang masigurado ang kaligtasan ng mga registrants sa buong registration process.

Sa Step 2 at Step 3 Registration, na gaganapin face-to-face, ang mga registrants ay dapat magkaroon ng proper disinfection kada matapos ang transaksyon.

Bilang panghuli, hinikayat ng mag-asawa ang publiko na magparehistro sa PhilSys.