Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

(MMDA/FB)

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang pagkukumpuni sa España Boulevard (pag-aaspalto); C.P Garcia Francisco St. hanggang Aguinaldo St. (2nd lane mula sa sidewalk); EDSA Quezon City pagkatapos ng Anapolis St. hanggang bago mag-Boni Serrano flyover Northbound (3rd lane buhat sa sidewalk); at EDSA Tramo Flyover sa Pasay City, ngayong alas-11 ng gabi, Biyernes, Oktubre 29.

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Martes, Nobyembre 2 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Probinsya

Bala ng baril at umano'y liham para sa mga bully, natagpuan sa building ng eskwelahan sa Bacolod!

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Bella Gamotea