Hindi lang sa Amerika laganap ang rascism.
Kamakailan lang ay nakilala ng publiko si Christian Lagahit, ang Pilipinong gumanap bilang si Player #276 sa patok na Korean series “Squidgame.” Ngunit ilang taon bago maging bahagi ng hit series, may isang karanasang ‘di malilimutan ang Pinoy ahjussi sa South Korea.
Sa panayam ng Asian Boss kay Christian kamakailan lang, inilarawan ng Pinoy ang tila “stereotyping” na porma ng diskriminasyon sa South Korea sa mga banyaga. Dito ibinahagi ng aktor ang parehong pisikal at berbal na diskrimininasyon na siya mismo ay hindi nakaligtas.
Ilang taon na ang nakalipas, sariwa pa rin kay Christian ang isang beses na pagsakay nito sa isang village bus sa South Korea.
“The most memorable one was when I was inside the village bus. It was the last trip, and I was sitting at the back because it was very small. It can only accommodate a few people to sit, so other people were already standing in the bus,” pagbabalik-tanaw ni Christian.
Habang halos isiniksik na ni Christian ang sarili para makaupo sa dulo ng bus, napansin niya ang isang babaeng sa tantsa niya ay nasa 50’s, at noo’y nakatitig sa kanya. Nung una, hindi niya ito pinansan hangga’t isang repolyo nga ay biglang binato sa kanyang mukha.
“There was this woman who was just staring at me. At first I wasn’t paying attention because I thought she was maybe looking at the boys, because there were boys in front of me. I thought that maybe she was just looking at the students,” pagbabahagi ni Christian.
“A few minutes passed by, and I was surprised when something hit my face. She threw a cabbage at my face—straight at my face,” dagdag niya.
Dahil sa lakas ng impact ng pagtama ng repolyo sa kanyang mukha, natanggal pa ang suot na salamin ni Christian. Basag na ito nang makapa niya sa sahig ng bus.
“So I looked for my eyeglasses, and when I picked my eyeglasses up, they were already broken. I kind of used the broken eyeglasses to see because I’m farsighted,” patuloy na sabi ni Christian.
Para kay Christian, ang pinakamasakit na parte ng insidente ay nung wala man lang ni isang tumulong sa kanya kahit na puno ng pasahero ang nasabing bus sa mga oras na ‘yun.
Bagaman hindi na umimik ang babaeng salarin, isang Koreano ang nagpaliwanag sa naging instensyon ng pag-atake.
“According to the other lady, ‘She wants you to step out of the bus.’Because I’m not Korean, and that bus was intended for Koreans—but there’s no such thing as a foreigner bus here in Korea. She said, ‘You just have to go out,’” kuwento ni Christian.
Nadurog umano si Christian habang iniisip na walang handing tumulong sa kanya sa mga oras na yun. Kahit ang magreklamo o ipagtanggol ang kanyang sarili, hindi niya na nagawa dahil sa naramdamang diskriminasyon.
Kahit sa pagbaba ng babae sa bus, hindi pa rin tumigil ito sa berbal na pang-aabuso.
Tanda pa ni Christian ang mga salitang, “All foreigners here in Korea are bad people!” na sinigaw sa kanya bago ito bumaba ng bus.
Ayon kay Christian, nasa 46,000 ang bilang ng mga Pilipinong nasa South Korea ngayon.