Habang milyon-milyon na ang sumusubaybay sa ganda at wit ng nag-iisang John Fedellaga, isa sa mga pinakamatagumpay na Omegle drag queens ngayon sa Youtube, alam niyo bang nasa 13,000 lang ang subscribers nito bago ang kanyang unang Beckygle series noong 2020?

Sa eksklusibong pagpapaunlak ni John sa Balita, game na game nitong ibinahagi kung paano umusbong ang popular na Beckygle series sa Youtube.

Taong 2016, nang unang mag-upload ng content si John sa nasabing platform. Simula noon, naging eksperimental si John sa mga content nito mula sa kanyang travel vlogs, dumbsmash videos, question &a answer sessions, at ang mag-review ng mga makeup brands kasabay ng kanyang mga tutorials.

“Ang goal ko talaga ay to review products, to give Pinoy the insights sa mga US brands [makeup]. Just to give them my feedback if pasok ba siya sa skin type natin,” pagbabahagi ni John.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Courtesy: John Fedellaga's Youtube Channel

“Kasi ang atin, feeling ko kasi minsan kapag from ibang bansa, iba pa rin yong skin type when it comes to foundation, kakaiba sa atin. Yun talaga ‘yong goal ko,” dagdag niya.

Nung una, inakala ni John na dapat detalyado at seryoso lang ang atake ng mga makeup tutorial content hanggang sa natuklasan niyang mas maging komportable sa kanyang sariling balat.

“I found, pwede naman pala—just be yourself. Doon ko natuklasan yung being myself is really important because you have nothing to hide,” makahulugang sabi ni John.

Courtesy: John Fedellaga Youtube Channel

COVID-19 pandemic; may saysay pa ba ang glam sessions?

Nang kumalat ang coronavirus sa Pilipinas at kalauna’y umabot ng Amerika kung saan kasalukuyang nakabase si John, naging pagsubok ito upang mapiga pa ang ang kanyang creative juices sa kanyang artistic pursuit.

“When COVID-19 hit, parang nalungkot ako kasi, parang walang interesado sa makeup so I decided napalitan ko na lang ang content ko kaya kasi who’s gonna do makeup? Lahat ng taonasa loob ng bahay,” pagbabalik-tanaw ni John noong kasagsagan ng lockdown sa Amerika.

“And then one day, I just woke up. Sabi ko, ‘Mag-Omegle kaya ako?’ Kasi napapanuod ko na rin yan kela Niel Padilla. Sabi ko, ‘Parang keri ko to,’” pagpapatuloy ni John.

&t=132s

&t=132s">Sumobok si Bakla ng Omegle!! | Omegle Prank | John Fedellaga - YouTube

Sa kaniyang viral Omegle series na tinawag niyang Beckygle sa kanyang Youtube channel, kilala si John sa kanyang pilya, witty at spontaneous na mga banat na talaga namang effective pagdating sa “cute boys” man o “daddeeey.”

Bakit nga ba ganun na lang ka-talas at ka-natural si John pagdating sa smooth pickup lines?

Natural charmer na ang dragista. Sa katunayan, sa trabaho man o sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan, trip talaga ni John ang tuksuhin ang mga jowa ng kanyang kaibigan halimbawa.

“Ganyan ako mag-joke sa mga jowa nila. But it was just for fun and parang naisip ko dalhin ko yung humor na yun sa Omegle,” sabi ni John.

“But since I’m a makeup enthusiast, having a makeup vlog, I wanted to showcase din yung makeup [skills] ko, yung passion ko when it comes to makeup,” ani nito.

Dito na naisip ni John na pagsamahin ang ang kanyang wit at on-point makeup skills para bihagin ang puso ng mga lalaking tambay sa Omegle.

“I’m not expecting it’s gonna be viral kasi I only have like 13 [thousand] subscribers at that time. Ang iniisip ko lang talaga dati, 10k views, I’m really fine about it,” sabi ni John.

Pagbabalanse sa work-life at content creating

Kung noon ay stress reliever lang ni John ang paggawa ng content, ngayon ay buong puso na niyang ibinubuhos ang lahat sa bawat content na ina-upload online.

Nagtatrabaho bilang isang quality engineering technician si John sa tanyag na American vehicle and clean energy company na Tesla. Kasalukuyang pinagsasabay niya ang kanyang trabaho at vlogging interest.

“Ngayon medyo naha-hassle ako because I wanna create a good content na when people watch it, you’re going to keep on watching it. Kahit ulit-ulitin mo, it’s still fun to watch kaya yun yung always goal ko in a video,” sabi ni John na tila may pressure nang mabigyan ng kalidad na content ang kanyang milyon-milyong followers at subscribers.

“I wasn’t expecting this like full support ang mga tao. I appreciate each of my follower and subscriber kaya as much as possible sa comments--hearts, like at nagrerespond ako sa mga comments ng followers. I am very thankful,” sabi ni John.

Sa kanyang tantya nasa limang porsyente lang ang ika nga niya’y “papampam” na mga followers. Proud si John na kalakhan sa kanila ay positibo lang sa kanyang social media space.

Diskriminasyon ng kapwa Pinoy sa Amerika

Ngunit bago pa ang tinatamasang malawak na online attention, hindi naging madali para kay John ang magpakatotoo sa ibang bansa lalo na’t sa kapwa Pilipino niya pa naranasan ang diskriminasyon.

“I was actually thinking of doing a vlog before. Dati kasi sa work, I was not coming out kasi nagpi-pretend akong straight," kwento ni John.

“Kasi I had an experience of my past job na napag-tripan ako ng mga kapwa nating Filipino because of how judgmental they are. They know that I was gay, so parang napaka-easy target ko. Then I got let go because of them, kung ano-anong sinasabi nila tungkol sa personality ko,” pagbubunyag niya.

Kalaunan, natutunan ni John na maging malaya sa sasabihin ng ibang tao.

“I work for Tesla, when I started there parang sobrang takot ako malaman ng tao. And then after years ago, I got tired of it. Parang I was out but I was not really loud about it,” ani John.

Mga dapat abangang pasabog ni John sa kanyang Youtube channel

Samantala, excited na ibinahagi ni John ang mga inihanda niya ngayong Book 3 na ang Beckygle.

“Bago niyong aabangan sa aking channel ang Beckygle Fantaserye edition because ayan Book 3 na ang Beckygle. And I’m so excited na mapanuod niyo yun, kasi ang ating Beckygle ay iba to!” sabi ni John.

“Swear, iba 'to. Yes, dahil Book 3 na so ni-level up ko lahat, Lahat ng makikita is bago and very exciting kasi ife-feature ko lahat ng fantaserye,” dagdag niya.

Kasalukuyang nasa mahigit 1.06 million ang subscirbers ni John sa Youtube. Nitong Huwebes, umabot naman sa dalawang milyon ang kanyang Facebook followers.