Ibinihagi ng K-pop rookie group mula sa SM Entertainment na aespa na nais nitong bumisita sa Pilipinas para makasama ang mga Filipino fans nito.

"As we've always said, we really want to meet you soon! Since we've never met you yet, we can't wait to meet you," ani ng aespa ekslusibong interview ng "ABS-CBN News."

"We want to go to the Philippines to have a concert and perform for you in person. In the meantime, we'll do our best during this promotion period so please continue to send us lots of love! We love you, MYs! Mahal namin kayo," dagdag pa ng grupo.

Sa interview, pinag-usapan rin ng aespa members ang kauna-unahan nitong mini album na 'Savage,' na may main track na Savage, at limang B-side tracks.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Ayon kay Karina, main dancer at leader, ang kantang Savage ay pagpapatuloy ng kwento ng mula sa nauna nilang kanta na 'Black Mamba' at 'Next Level.'

Dagdag pa nito, patuloy silang kikilos, kasama ang kanilang "æ" members at "Naevis," upang labanan ang antagonista sa kanilang kwento na si "Black Mamba."

Matatandaan na inilabas ng aespa ang kanilang first mini album na Savage noong Oktubre 5, na ngayon ay mayroon nang 105 million views sa YouTube.

Samantala, naka-kolekta na ng pitong panalo ang aespa sa kanta nilang Savage sa iba't-ibang music shows sa South Korea.

Ang grupong aespa ay binubuo ng apat na miyembro na sila Karina, main dancer at leader; Giselle, main rapper; Winter, sub-vocalist at main visual; at Ningning, maknae at main vocalist.

Nag-debut ang grupo noong Nobyembre 17, 2020, sa kanta nilang 'Black Mamba,' ito rin ang pinakamabilis na K-pop debut song na umabot ng 100 million views sa YouTube.