Tila takot nang magkamali sa kaniyang mga desisyon sa buhay ang Kapuso actress na si LJ Reyes, na muling kinumusta at kinapanayam ni Boy Abunda sa kaniyang YouTube channel na 'The Interviewer'.

Sa New York mismo naganap ang panayam kaya personal silang nagkaharap ni Tito Boy.

“I still find myself crying. I want to be honest. There are days that I find it difficult," pag-amin ni LJ, hinggil sa naging resulta ng hiwalayan nila ng partner na si Paolo Contis, na hanggang ngayon umano ay wala pang pagtatakang mag-reach out sa kaniya.

“I’m taking life one day at a time… to heal, to figure things out. It’s difficult to rush things. I have two kids who depend on me. I cannot make wrong decisions anymore.”

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Aniya, ang pagpapatawad kay Paolo ay isang 'work in progress'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/13/lj-reyes-ang-forgiveness-is-a-work-in-progress-you-know-hindi-madaling-ibigay/">https://balita.net.ph/2021/10/13/lj-reyes-ang-forgiveness-is-a-work-in-progress-you-know-hindi-madaling-ibigay/

“Because I know if I don’t forgive him, this very dark emotion will eat me up. And I won’t be able to move forward with my kids ng maayos, na walang galit," patungkol niya kay Paolo na naging karelasyon niya sa loob ng anim na taon.

Aniya pa, “I really have to forgive but not forget.”

Matatandaang kay Boy Abunda rin nagpa-interview si LJ nang basagin niya ang katahimikan hinggil sa hiwalayan nila ni Paolo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/02/nanlamig-nga-ba-lj-reyes-idinetalye-ang-dahilan-ng-hiwalayan-nila-ni-paolo-contis/">https://balita.net.ph/2021/09/02/nanlamig-nga-ba-lj-reyes-idinetalye-ang-dahilan-ng-hiwalayan-nila-ni-paolo-contis/