Niyanig ng 4.7-magnitude na lindol ang Balut Island, Sarangani, Davao Occidental nitong Biyernes ng tanghali, Oktubre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Na-detect ng Phivolcs ang pagyanig dakong 12:33 ng tanghali.

Ang epicenter ng lindol ay nasa 34 kilometro ng timog silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 185 kilometro, base sa preliminary report ng Phivolcs.

Naitala ang Intensity I sa General Santos City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol. 

Samantala, walang inaasahan na pinsala at aftershocks dahil sa lindol.

Ellalyn De Vera-Ruiz