Sa katapusan ng Nobyembre, determinado ang Commission on Higher Education (Ched) na mabakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang hindi bababa sa 80 percent na estudyante sa kolehiyo sa buong bansa.
Sa isang press briefing sa naganap na pagbabakuna sa Quezon City University (QCU) nitong Biyernes, Oktubre 29, sinabi ni Chairman Popoy De Vera na target mabakunahan ang nasa 70 hanggang 80 percent na college students sa katapusan ng buwan.
“Our target is to vaccinate all or 100 percent of the students,”sabi ni De Vera.
Kasalukuyang nasa 30 percent na mga estudyante at 70 percent na faculty members ang kasalukuyang bakunado na sa mga eskwelahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nasa tatlong milyon ang mga estudyanteng enrolled sa higher reducation sa bansa bago ang pademya.
Sa sapat na suplay ng bakuna sa bansa, “supply is the least of our problems,” ani De Vera.
“What we have noticed on the ground is that the schools that have good relationships with their LGUs have higher vaccination rates among students and their faculty,”paliwanag ni De Vera.
Pagpupunto ng opisyal, dapat makipag-ugnayan ang Higher Education Institutions (HEIs) sa mga lokal na pamahalaan upang mabakunahan ang kanilang mga estudyante at faculty members.
Maliban pa rito, plano rin ng CHED na itaas pa ang bilang ng mga mga magbabakuna sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Medicine and Nursing students para sa vaccination drive.
“Maybe in a week or so, we will now issue the new guidelines to allow students in Nursing and Medicine in their fourth year and new graduates to act as vaccinators,” ani De Vera.
Tiniyak naman ni De Vera ang mga dagdag na vaccinators na mga Nurning at Medicine students ay sasailalim sa isang joint CHED-Department of Health’s (DOH) guidelines.
“Of course they will be under the supervision of the health professionals,” pagsisiguro ng opisyal.
Merlina Hernando-Malipot