Arestado nitong Biyernes ang No. 1 most wanted person sa Taguig at ang lider ng carnapping group.

Kilala ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, Southern Police District (SPD) director ang suspek na si Meljhon Sta. Ana, 29, residente ng Bgy. Central Bicutan, Taguig. 

Ayon sa pulisya si Sta. Ana ay ang lider ng Sta. Ana Carnapping Group at top most wanted person sa Taguig para sa fourth quarter ng 2021.

Inaresto si Sta. Ana dakong 10:30 ng umaga nitong Oktubre 29 sa Central Bicutan ng joint elements ng police intelligence ng Taguig, at warrant and subpoena units sa ilalim ni Police Col. Celso Rodriguez.

National

'I vehemently deny that!' Rep. Leviste, tinangging sapilitang kinuha 'Cabral Files'

Nahuli siya ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng carnappig na inisyu noong Nobyembre 17, 2020 ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69; Criminal Case No. 3929 na inisyu  noong Oktubre 2, 2020 ni Judge Mariam Bien ng Taguig RTC Branch 153 at Criminal Case No. 20-01269 na inisyu noong Nobyembre 25, 220 ni Judge Rosario Ester Orda-Caise ng Makati RTC Branch 234.

Nakakulong ngayon ang suspek sa custodial facility ng Taguig City Police Station habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order mula sa court of origin.

“Ang walang humpay at walang pag-iimbot na pagsisikap na ito ng mga miyembro ng PNP ay nakatutulong nang malaki sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang komunidad sa ating bansa,” ayon kay Police chief Macaraeg.

Jonathan Hicap