Ipinagpaliban na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay nakumpirma matapos ilathala sa Facebook page ng Bangsamoro government ang larawan ng Pangulo na nilalagdaan ng ang nasabing batas.
“Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” ang caption na inilabas ng nasabing FB page.
Matatandaang niratipikahan ang Bangsamoro Organic Law noong Pebrero 2019 sa pamamagitan ng plebesito na nagbigay-daan para malikha ang BARMM at tuluyang malusaw ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Beth Camia