Nagbigay ng P3,000 ang Pasay City government sa 2,766 na public elementary at highschool students sa Padre Zamora Elementary School (PZES) noong Huwebes, Oktubre 28.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano ang P3,000 na financial assistance ng mga estudyante mula sa PZES ay para sa period ng Enero hanggang Marso ng school year 2020-2021.

Ani Rubiano, ang assistance ay tinanggap ng mga magulang ng mga estudyante.

Dagdag pa niya, ang naturang programa simula sa termino ng kanyang kapatid na dating Mayor at ngayo'y congressman na si Antonino Calixto, bilang pagbibigay ng financial relief sa mga magulang at mga estudyante upang makabili ng kinakailangan na mga school materials at supplies para sa kanilang pag-aaral.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Jean Fernando