Dalawang low pressure area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa karagatan ng Pilipinas na inaasahang magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa Sabado.

Sa abiso ng PAGASA, ang unang LPA ay nasa layong75 kilometro sa timog silangan ng Tacloban City sa Leyte at ito ay nakapaloob saIntertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa pagtaya ng PAGASA, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang ITCZ at LPA sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Palawan.

Namataan naman ang ikalawang LPA sa layong 100 kilometro kanluran-timog kanluran ng Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Makararanasnaman ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng mga pag-ulan dulot ng ITCZ at localized thunderstorms.