Halos 1,000 benepisyaryo ng "Pangkabuhayang QC Program" ang tumanggap ng tig-₱20,000 livelihood assistance ng lungsod nitong Huwebes.

Nilinaw ng pamahalaang lungsod na ito na ang ikatlong grupo ng mga benepisyaryo na tumanggap ng benepisyo mula sa programang inilunsad ngQC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO).

Layunin ng programang inilunsad nitongSetyembre 6 namatulungan ang mamamayan ng lungsod na naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nilinaw ng city government na ang mga ito ay kabilang sa mga nagparehistro nitong Setyembre 20-24 at sumailalim sa livelihood at management training.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Aaron Dioquino