LAGUNA - Naging viral sa social media ang isang rider nang makitang kasa-kasama nito ang kanyang baby habang naghahatid ng inorder na pagkain, sakay ng bisikleta sa San Pedro City, nitong Miyerkules.

Sa litratong kumalat online, kita ang sanggol na nakahiga sa unan na nakapatong sa isang wire basket habang ito aypinapagatasng amang food delivery rider.

Katwiran naman ng ama na si Hershey Manuel, abala ang mga kasamahan nito sa bahay nang matanggap nito ang order at wala ring magbabantay sa kanyang sanggol.

"Nung oras na po na 'yun marami pong nabili sa tindahan ng tita ko. Dahil malapit lang po, isinama ko 'yung anak ko," aniya.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Malapit lamang aniya ang paghahatiran nito ng inorder na pagkain kaya ipinasya niya na lang na isama ang kanyang anak.

"Hindi ko po siya araw-araw kasama dahil alam ko pong delikado at mahamog na sa daan," paglilinaw ni Manuel.

Ipinagtanggol din ni Manuel ang sarili sa mga puna sa kanya ng netizens at sinabing ginagawa lamang niya ito upang maitaguyod ang kanyang pamilya.

Ipinaliwanag din nito na kalilipat lamang nila sa bahay ng kanyang kaanak sa Laguna mula sa dating tinitirhan sa Maynila sa pag-asang makahanap ng magandang kinabukasan.

"Lagi po kaming pinapayuhan ng mga tita ko na tinitirahan namin ngayon para maging mabuting magulang. Isa po akong batang ama na maagang namulat sa hamon ng buhay," pagdidiin pa ni Manuel.

Carla Bauto Deña