Kinaaliwan ng netizens ang Facebook post ng isang guro mula Sa Burol Elementary School, Looc, Occidental Mindoro.

Pinost ni Ginoong Jayson Magan, isang guro, ang kanyang larawan kasama ang mga standee ng kaniyang mga estudyante.

"Face-to-Face na kami sa Burol Elementary School, sana kayo rin. Pauuwiin ko na sila ng maaga dahil namumutla na," birong caption ni Magan sa kanyang post.

Modular learning ang moda ng pag-aaral sa kanila kaya wala pa ang limitadong face-to-face classes.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang modang ipinatutupad ay dahil na rin sa kahinaan ng signal sa kanilang lugar kaya hindi kaya ang online classes.

Umabot na sa 1.1K likes ang post ni Magan.

Samantala, naglabas naman ng isang video si Magan upang magpasalamat sa mga sumuporta sa kanyang pakulo.

Sa YouTube video, sinabi niya na bilang isang guro, nakakataba ng puso ang suportang ipinahatid ng netizens sa kanila.

"This morning, talagang nagpapasalamat kami [mula] dito sa Burol Elementary School, Looc, Occidental Mindoro, na talagang pinusuan niyo ang aming nakakaaliw na post sa FB. Nakaka-motivate po ang inyong mga komento," ani Magan.