Nananatiling "low risk" classification sa COVID-19 ang Taguig City dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso, ayon OCTA Research group nitong Huwebes, Oktubre 28.

Sa latest monitoring report, sinabi ng OCTA na ang COVID-19 reproduction number sa lungsod ay nasa "low" 0.41.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/iamguidodavid/status/1453563262130212869?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1453563262130212869%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fmb.com.ph%2F2021%2F10%2F28%2Focta-taguig-at-low-risk-for-covid-19%2F

Ang reproduction number ay tumutukoy sa "average" bilang ng secondary infections ng mga nahawaang indibidwal.

Ipinunto ng mga eksperto na ang seven-day average sa araw-araw na kaso sa Taguig ay bumaba sa 58 para sa Oktubre 21 hanggang 27 mula sa 109 noong nakaraang linggo.

Sinabi ng OCTA na ang positivity rate sa Taguig ay nasa 8 porsyento base sa huling datos noong Oktubre 26, na klinasipikang nasa moderate level.

Samantala, ang health utilization sa Taguig ay bumababa na rin, at kasalukuyang nasa low-risk level na 33 porsyento.

“Effective epidemic management has enabled Taguig City to achieve a low risk level, based on covidactnow.org metrics,” ayon sa OCTA.

Jhon Casinas