Dahil sa mataas na vaccination rate, sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Popoy De Vera nitong Huwebes, Oktubre 28, na kinukonsidera ang Metro Manila bilang "prime candidate" para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes para sa lahat ng degree programs sa tertiary level. 

Sa ceremonial vaccination ng student-athletes sa ilalim ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at Jose Rizal University sa Mandaluyong, sinabi ni De Vera na kasalukuyang pinag-aaralan ang posibilidad na papayagan na ng higher education institutions (HEIs) ang pagpapatuloy ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) sa oras na aprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“We are now exploring the possibilities that in areas where the COVID-19 cases are low and the vaccination rates are high, we might open face-to-face classes for all degree programs,” ani De Vera.

Sinabi rin ni De Vera na mas magiging posible ang face-to-face learning kung mataas ang vaccination rate ng mga estudyante, faculty at iba pang empleyado ng eskwelahan, maging ang mga nasa komunidad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Metro Manila is a prime candidate for this,” ani De Vera.

Enero ngayong taon, pinapayagan lamang dumalo ng face-toface classes ang mga piling estudyante na kumukuha ng Medicine at Allied Health Sciences.

Mahigit 180 na university at colleges sa buong bansa ang pinapayagan ng limited face-to-face classes.

Ani De Vera, naging maganda ang trabaho ng HEIs sa first batch ng mga estudyanteng dumalo ng limited face-to-face classes na may "less than one percent" ang nagkasakit ng COVID-19.

Kaugnay nito, umapela ang CHED sa IATF na palawakin ang limited in-person classes sa iba pang degree programs.