Sugatan ang isang barangay chairman at kasama nitong opisyal matapos barilin ng riding-in-tandem sa harapan mismo ng barangay hall sa Pasay City kamakailan.

Isinugod sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Evan Basinillo, 49, chairman ng Barangay 179, Maricaban, Pasay City, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kaliwang baywang at kanang braso; at Rowena Remo,43, isang Brgy. Women’s Desk, at taga-Saint Francis St., ng nasabing barangay, sanhi ng mga tama ng bala sa kaliwang binti at bahagi ng baywang.

Sa naantalang ulat kay Southern Police District (SPD) director Brig. General Jimili Macaraeg, ang pamamaril ay naganap sa Saint Peter St., Brgy. 179.

Nakaupo lamang sa hagdanan ng naturang barangay hall sina Basinillo at Remo nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo bago pinaulanan ng bala ang dalawa. 

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo at apat na fired bullets.

Maiulat na malapit lamang sa naturang presinto ang pamamaril kaya narinig pa ng mga naka-duty napulis ang sunud-sunod na putok ng baril sa naturang lugar.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

Bella Gamotea