Marami pang local government officials ang nagpapahayag ng kanilang supporta sa tandem nina Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.

Susuportahan nina Labo, Camarines Norte Mayor Joseph Ascutia at Tabaco, Albay Mayor Krisel Lagman ang Leni-Kiko ticket.

“Ako po ay sumusuporta sa tandem ni Vice President Leni Robredo at ni Senator Kiko Pangilinan. Sila po ang nakikita ko na isang tandem na talagang makapagbabago ng klase ng pamumulitika dito po sa atin sa Pilipinas," ani Ascutia, dagdag pa nito ang kanilang tandem ay maayos na mapaglilingkuran ang bansa.

Para kay Lagman, ipinakita ng bise presidente ang kanyang "abilidad, sinseriad, at determinasyon" na makatulong sa mga tao lalo na sa mga mahihirap.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Samantala, isinapubliko ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. ang kanyang suporta, ngunit hindi endorsement, kay Robredo dahil sa sinseridad nito na tumulong sa bansa.

Ngayong linggo, nakatakdang makipagkita si Robredo kna Lagman at Ascutia, at sa iba pang political leaders ng Bicol kabilang sina Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, Sorsogon Gov. at senatorial candidate Chiz Escudero, and Albay Gov. Al Francis Bichara, at iba pa.

Raymond Antonio