Isa ang dating sexy actress na si Aya Medel na hayagang nagsabing buo ang kaniyang suporta kay presidential candidate at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at pinabulaanan ang balitang kasama siya sa listahan ng mga taga-showbiz na mangangampanya para kay Vice-President Leni Robredo na tumatakbo ring pangulo sa halalan 2022.

"I’m declaring my president for 2022. I choose BBM based from my own experience as BATANG MARTIAL LAW na lumaki dito sa BICOL," aniya sa mahabang Facebook post.

"Yes na-experience ko kasi sa panahon ni President Ferdinand Marcos at mismong mama ko na matagal na nagturo sa isang public school, siya mismo nagsabi sa akin ng tinanong ko siya. Si BONGBONG MARCOS pinili niya coz she experienced the whole years of Ferdinand Marcos as president, nasabi niya lang si Marcos ang pinakamatibay na naging president ng PILIPINAS sa buong buhay niya. Si mama ko 65 yrs old at anak siya ng farmer."

"Naniniwala Si mama ko at ako kay BBM na kaya nyang mamuno ng PILIPINAS. Naniniwala kami na it’s good for the future of my children. Coz we can see his actions naman sa bayan niya at bilang senator and his father's legacy is not FAKE gamit-gamit natin lahat ngayon."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya yung sinasabi nilang walang kwenta si MARCOS at napakasamang pamilya sila ito masasabi ko, I don’t think so, yung nagpabagsak ng PILIPINAS, iyon ang traydor kaya I’m sorry sa loob ng 30 plus years after EDSA 1986 hindi nabago…"

"Thank you to our President DUTERTE sa loob ng 5 taon pa lang naramdaman ko at nakita ko ang pagbabago. So ako po ang stand ko Bongbong Marcos dahil ayaw ko na bumalik sa pamamalakad ng group ng LP sa National.

I have nothing against Ma’am VP LENI."

"To the people who will call me BOBO/ TANGA for choosing my own president, remember I DID NOT call you names for choosing your own president. RESPECT BEGETS RESPECT."

Dahil sa pahayag niyang ito, maraming netizens na tagasuporta ng ibang kandidato ang nagpahayag na i-boykot ang kaniyang Japanese restaurant sa Tabaco, Albay. Kaya pakiusap niya, huwag naman sana dahil may 50 staff siyang umaasa sa kaniyang negosyo.

"Ganito na ba talaga ngayon ultimong man in uniform (army po siya). Ang alam ko tagapangalaga ng peace and order siya pa magtatawag ng i- BOYCOTT restaurant ko dahil BBM ang sinusuportahan ko?" ani Aya sa kaniyang mahabang Facebook post at pag-call out sa isang sundalong nananawagangiboykot o huwag suportahan ang kaniyang resto.

"Hindi po ako bayarang supporter ni BBM. Taos-puso po ako nagsu-support ni pisong duling wala akong nakukuha at hindi for sale ang support ko. Masakit nakakita ng ganito at hindi lang ako, dami nang naglalabasan."

May ilan pang binalikan ang kaniyang nakaraan at tinatawag siyang bold star lang siya.

Tanong ni Aya, kasalanan daw bang pumili ng kandidatong pangulo at kasalanan din bang mag-post sa kanyang wall?