Namangha ang netizens sa talento ng isang kabataang si Jake Ortega.

Sa kanyang Facebook at Instagram account, ipinakita ni Ortega ang kanyang galing sa digital arts.

Pagbabahagi ni Ortega, nagsimula siyang gumawa ng mga artworks niya sa MS Paint noong 2017 gamit lamang ang kanyang computer mouse. Naubusan siya ng gamit sa paggawa ng traditional arts kaya naman, naisipan niyang lumipat sa digital arts.

"Traditional artist po ako, graphite and charcoal medium ko. Pero mga ilang months lang po kasi pang kill time lang. Then this pandemic po bumalik kasi na-inspire ako nong nakita kong may gumawang realism sa Ms paint, triny ko kung kaya ko din. Noong nagawa ko din po realism, inaraw-araw ko na po pag drawing using Ms paint as medium in digi," ekslusibong pagku-kwento ni Ortega.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

"Then nong tumagal dahil mahilig po ako sa animation like Disney and other animation, nag-explore po ako sa concept art," ani Ortega.

Ayon sa kanya, naging inspirasyon ng kanyang mga artworks ay Disney, Pixar, at Chinese animations.

Dagdag pa ni Ortega, may sinalihan siyang kumpetisyo na na ORC o One Reference Challenge, kung saan ay bukas sa traditional at digital arts. Ang resulta, siya ang nag-uwi ng kampeonato.

Kaya naman naniniwala siya na kung nakayanan niyang gumawa ng magagandang artworks gamit ang MS Paint, ay kaya rin ng iba.

"Let their passion drives them and let the lord god guide them. Mahalaga is alam nila kung anong style or vibes ng art ang gusto nila para lalo silang ma-motivate," payo ni Ortega sa mga aspirants.

Sa ngayon, hindi pa tumatanggap ng komisyon si Ortega ngunit umaasa siya na sa susunod na taon ay makakabili na siya ng bagong personal computer at mag-iinstall ng mga software na makakatulong para sa kanyang pagko-komisyon.