Nanawagan si presidential candidate at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos sa publiko na huwag idamay ang negosyo ng mga taong nagpapahayag ng kanilang pagsuporta sa kanilang mga napipisil na kandidato para sa halalan 2022, ayon sa kaniyang Facebook post nitong Oktubre 27, 2021.

Kaugnay kasi ito ng balitang nanawagan ng boykot ang ilang mga tagasuporta ng ibang kandidato, sa Japanese restaurant ng dating sexy actress na si Aya Medel, matapos nitong maghayag ng suporta kay BBM.

Ani BBM, "May mga pagkakaiba man, huwag nating idamay ang mga negosyo ng mga taong naghahayag ng kanilang paninindigan."

"Pare-pareho po tayong bumabangon sa pandemya upang maitaguyod ang ating mga pamilya. Tulungan natin imbes na hadlangan ang ating kapwa guminhawa."

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Larawan mula sa FB/Bongbong Marcos

May be a cartoon of text that says 'CXNCEL END CULTURE SUPPORT LOCAL VBUSINESSES CONCESSION STAND COLA COFFEE SHOP COFFEE OTCHOLA BBM @bongbongmarcos @bongbong.marcos bongbongmarcos.com'
Larawan mula sa FB/Bongbong Marcos

Agad namang nagkomento rito si Aya Medel.

"This is happening to me too with man in uniform calling for boycott. Ganito na ba talaga ang PILIPINAS ngayon?"

"Tama talaga ang napili ko na supportahan para sa Pilipinas. Salamat po my president Bongbong Marcos."