Pumalag ang dating sexy actress-turned-chef at restaurant owner na si Aya Medel sa open letter sa kaniya ng isang pari na nagngangalang 'Fr. James Uy Gascon' matapos niyang magpahayag ng suporta kay presidential candidate at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o kilala rin sa inisyal na BBM.
Sa naging open letter ng pari, sinabi nito na bilang celebrity, responsibilidad umano nito na magpaliwanag at tulungan ang bawat isa na humantong sa isang 'tamang desisyon' sa pagpili ng kandidatong iboboto, lalo na sa pagka-pangulo. Bakit umano kailangan niyang i-promote ang isang kandidatong nagmula umano sa mga 'lider na naglimas ng kaban ng yaman ng Pilipinas'.
Binanggit din ng pari na ang ama ni BBM ay 'world’s greatest thief' ng Guinness World Record.
Dapat daw, alam ni Aya ang pakiramdam ng 'nanakawan' dahil inungkat ng pari ang isang insidente kung saan ninakawan umano siya ng isa sa mga staff niya sa resto, sa kabila ng kabaitang ipinakikita niya.
Matapos nito, nagbigay rin ng open letter si Aya para sa naturang pari, na aniya ay nagpalit ng pangalan sa FB at bin-lock pa siya.
"Open letter to Fr. James Gascon (Dyames Uy Gascon) ngayon Jimmy Uy na ang name. Dear Fr. James Gascon, mawalang- galang na po. Sa susunod po na mag-open letter huwag mo muna (ako) i-block kasi paano mo makikita ang sagot (ko)?
"Bakit Si BONGBONG gusto ko po for President? Kasi sa puso ko alam ko kaya niyang silbihan ang PILIPINAS nang walang dumidikta."
Ayon kay Aya, hindi porke't taga-Bicol si VP Leni ay iboboto na niya ito. Inihambing pa niya ang pagpili ng kandidato sa halalan sa relihiyon. Lahat daw ay malayang pumili ng relihiyon o sekta na kanilang aaniban.
"Pareho ng ginawa ko sa anak ko, tumigil ako maggawa ng mga movies kasi para sa anak ko. Hindi naman kasalanan ng anak ko na ako naging mama niya (ako). At hindi naman niya kasalanan na pinabinyagan ko siya sa Catholic simbahan kahit na pinag-awayan namin ng asawa ko na Buddhist. Itinakas ko anak ko from Japan to Pilipinas para lang pabinyagan ko kasi 'yan ang paniniwala ko," aniya.
Narito ang buong Facebook post/open letter ng naturang pari:
https://www.facebook.com/dyames/posts/10158880694924690
Narito naman ang buong Facebook post/open letter ni Aya Medel:
https://www.facebook.com/aya.medel1/posts/10223069300895582