Makararanas pa rin ng patuloy na pag-ulan ang bansa dulot ng northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa pagtaya ng PAGASA, kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa malaking bahagi ng Luzon, gayundin sa Western at Central Visayas at Caraga.
Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan ang iba pang bahagi ng bansa bunsod naman ng localized thunderstorms.
Binalaan din ng PAGASA ang mga maglalayag dahil sa mararanasang malakas na hangin at malalaking alon sa northern Luzon.
PNA