Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na permanente na ang suspensyon sa clerical duties ng isang paring Katoliko na kumakandidato sa pagka-alkalde sa isang bayan sa Camarines Sur para May 9, 2022 elections.
Ayon kay Camarines Sur Bishop Jose Rojas, si Fr. Granwell Pitapit ay lumabag sa Canon Law na nagsasaad na ang mga pari ay hindi maaaring masangkot sa politika, kaya’t sinuspinde ito.
“Such suspension is deemed irreversible, thus preventing him permanently from returning to the priestly ministry,” pahayag pa ni Rojas sa isang circular na may petsang Oktubre 22.
Bunsod aniya ng suspensyon, si Pitapit ay hindi na rin maaaring lumahok sa mga social action programs ng diyosesis.
Gayunman, si Pitapit ay may mandato pa rin na sundin ang kanyang priestly vows, gaya ng celibacy.
“Such vows, therefore, continue to bind him and can only be completely suppressed through the process of laicization,” paliwanag pa ni Rojas.
“Nonetheless, Fr. Pitapit is now free, without incurring further canonical censure, to engage in secular undertakings that do not violate his priestly vows,” dagdag pa ng obispo.
Mary Ann Santiago