Ito ang saloobin ng Rise for Education Alliance (R4E), ilang linggo bago ang pagbubukas ng limited face-to-face classes sa mga low-risk areas sa bansa.
“2021 has nearly passed completely, but there is barely any change when it comes to our learning setup. In a land of hopelessness, students continue to ask for funding and academic ease left and right, but are these all the solutions we can attain?”litany ng R4E.
“With the rest of the world transitioning back to normal, we continue to call for the end of the current inaccessible and inequitable learning setup.”
Nagpahayag din ng suporta ang grupo sa inihaing Safe School Reopening Bill ng Kabataan Partylist kasama ang R4E at Student Aid Network.
Ipinapanawagan ng panukalang batas ang ligtas na balik-eskwela sa pamamagitan ng paglagak ng pondo sa sa ilang programa kagaya ng allowance, safety programs at enhanced protection para sa sektor ng edukasyon.
Kinalampag din ng R4E ang national government na tiyakin na ang mga lugar eskwelahan ay kaaya-aya, may nakahandang safety protocols, at may mga itinakdang pasilidad; lahat ng mga guro at kawani ng eskwelahan ay bibigyan ng sapat na subsidiya at medical funds; may kalayaan at inklusibo ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng health support services at pagbabawal sa militarisasyon sa mga eskwelahan.
Nauna nang inanunsyo ng Department of Education ang pagbubukas ng nasa 120 eskwelahan para sa limited in-person classes na tatakbo ng dalawang buwan mula Nobyembre 2021 hanggang Enero 2022.
Gayunpaman, mula nitong Oktubre 19, sinabi ng DepEd na may kabuuang 30 eswkwelahan ang lalahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa darating na Nobyembre 15.
Gabriela Baron