Tinawanan lang ni Vice President Leni Robredo nitong Miyerkules, Oktubre 27 ang mga alegasyon sa social media na namahagi ang kanyang kampo at mga tagasuporta ng cash sa naganap na nationwide caravan nitong nakaraang weekend.

Nang tanungin sa isyu si Robredo sa isang press briefing sa Bicol, nagtaka na lang ito kung paano niya magagawa ang alegasyon kung sa katunayan ay kulang ang kanyang makinarya para sa sariling presidential campaign.

“First time ko siyang nakita na pinapalabas, kaya maraming sumali, dahil binayaran. Iyong first reaction ko, natawa ako. Natawa ako kasi, sabi ko nga, ako pa talaga iyong mamimili ng boto? Sabi ni Robredo.

"Alam ng lahat na volunteers na sila iyong gumagastos. And all over the country, magsabi kayo ng isang grupo na may natanggap na galing sa amin, wala talaga," dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dati pang aminado si Robredo sa kanyang kakulangan ng makinarya na mayroon ang ibang kandidato. Ngunit hindi naman siya binigo ng kanyang mga tagasuporta na naglunsad ng crowdfunding campaign, printing ng sariling stickers, tarpaulins, t-shirts, tote bags at iba pa.

Malaking bilang din ang nakibahagi sa naganap na caravan para sa kanya at sa kanyang ka-tandem na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Sabado, Oktibre 23.

Dito sunod na lumitaw sa social media ang mga umano’y “caravan kit” na ipinamahagi noong motorcade. Naglalaman umano ang kit ng P100 bill, isang snack bar, campaign stickers, pink na face mask at liham na naghihikayat na iboto si Robredo sa halalan.

Isa sa mga unang naglabas ng mga larawan ang Facebook page na We2GoPh at ang Twitter user na si Manuel Mejorada.

Tinawag na “cheap shot” ni Robredo ang malisyosong paskil, habang sinabi na binabantayan na ng Lawyers for Leni, isang volunteer groups, ang mga alegasyon sa social media.

They’re setting up a system na iyong mga fake news ay ma- to their attention para may magawa sila na legal action. So ngayon, ang alam ko—operating sila independently,” Robredo said.

“So ngayon, because we have a lot of volunteers who are willing to take on the fight, mas confident kami na may aaksyon na talag,” dagdag niya.

Raymund Antonio