Isang taon matapos humagupit ang Bagyong “Rolly” sa Bicol, tuloy-tuloy pa rin ang recovery operations ng Philippine Red Cross (PRC) sa rehiyon.

Upang muling makabangon ang mga biktima ng super typhoon nitong nakaraang taon, namahagi ang PRC ng mga materyales upang muling maitayo ang mga nawasak na kabahayan.

Sa Brgy. Bubulusan sa Guinobatan, matagumpay na naihatid ng PRC ang mga materyales para sa shelter construction ng mga apektadong pamilya nitong Oktubre 26. Kinailangan ang mga materyales upang makumpleto ang ikalawang batch ng mga tahanang muling itatayo.

Nakatakdang kumpunihin ng PRC ang nasa 164 kabuuang mga tahanan bilang bahagi ng shelter construction at monitoring activities sa nasabing probinsya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapagpatayo na ang PRC ng tinatayang 30 kabahayan, isa sa Brgy Salvacion at 29 kabahayan sa Brgy. Bubulusan sa Guinobatan.

“What we are doing in the Bicol Region is critical. We need to help them quickly to rebuild their lives by building their homes,” sabi ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Richard Gordon.

“Nandito ang Red Cross para umagapay, hangga’t makakaya namin, hindi kami titigil sa pagtulong,” dagdag niya.

Sabi ng PRC, layon nitong makumpleto ang 164 kabahayan sa Hunyo 2022, kung saan sa panahong iyon, maaari nang okupahan ng mga benepisyaryo ang nasabing proyekto.

Kumpleto ang bawat tahanan ng electrical works, plumbing, at water system.

Merlina Hernando-Malipot