Iniimbestigahan na ng House Committee on Agriculture and Food sa pamumuno ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, ang mga dahilan kung bakit bumababa ang presyo ng palay nanagpapahahirapsa libu-libong magsasaka.
Isinagawa ang imbestigasyon batay sa dalawang resolusyon na inihain ng dalawang kongresista.
Sa House Resolution (HR) No. 6 ni Nueva Ecija 1st District Rep. Estrellita Suansing, hiniling niyang magkaroon ng imbestigasyon, in aid of legislation, kaugnay ng labis na pagbaba ng presyo o ng farm gate price ng palay.
Sa HR No. 320 naman na iniharap ni Deputy Speaker Evelina Escudero, nais niyang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka, kaugnay ng pagtatanim, pagbebenta, at pagpepresyo ng palay.
Hangarin ng dalawang panukala na magmungkahi ng legislative measures upang mapagaan ang kinakaharap na hirap ng mga magsasaka sa bansa.
Ipinaliwanag ni Enverga na nitong nakaraang Setyembre, ang presyo ng palay ay bumagsak ng hanggang ₱10 kada kilo sa Oriental Mindoro, samantalang ₱12 hanggang ₱14 kada kilo naman sa Nueva Ecija, Isabela, Camarines Sur at Ilocos Norte.
“This is a precarious situation. We don’t want our farmers to stop planting. It will be best if we address the factors that caused the drop of palay prices,” pahayag ni Enverga sa pakikipagtalakayan niya sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) kaugnay ng importasyon ng bigas.Bert de Guzman