Pinag-iisipan ngayon ng Department of Tourism (DOT) na magsagawa ng libreng swab test upang mahikayat ang mga turista na lumibot sa bansa sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ng DOT na sa kasalukuyan, maaaring samantalahin ng mga taga-Metro Manila ang discountedna₱750 na lamang na Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na alok ng Philippine Children's Medical Center (PCMC) ang dating presyo ay aabot sa₱3,577.

"Our subsidy with the PCMC is continuous. If things go as planned, we've been asking permission if we could subsidize everything, make it zero already," pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang television interview.

Kaugnay nito, tanging partially vaccinated na menor de edad at maynegatibong resulta ng RT-PCR test ang pinapapasok sa Baguio City.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Pinapapasokdin sa nasabing lungsod ang matatanda na bakunado na upang maiwasang lumaganap pa ang virus sa lugar.

Sinabi pa ni Puyat na posibleng ipatupad ang libreng swab test para lamang sa mga fullyvaccinated sa susunod na buwan.

PNA