Walang pakialam ang Kapamilya actor na si Enchong Dee kung maraming pumupuna sa kaniya na marami siyang 'kuda' o nasasabi hinggil sa mga isyung panlipunan at pampolitika, dahil bilang celebrity, isa umano itong responsibilidad na hindi dapat balewalain.

"I feel like it’s a responsibility. Bilang celebrity maraming nakatingin sa 'yo eh, maraming nakikinig… you have this influence, power to affect change and you know, you have to use it for the common good. You have to speak up,” aniya.

"It should be a collective effort. If you want change, hindi puwedeng puro pansarili lang. Dapat we get involved somehow. Sabi nga, if you learn, teach, if you have, give."

Kapag tiningnan ang mga social media posts ni Enchong lalo na sa Twitter, talagang masasabing 'matalas' ang kaniyang mga reaksyon, saloobin, o opinyon, lalo na sa pagbasura ng Kamara sa franchise renewal ng kaniyang home network noong 2020.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador