Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, malaki ang posibilidad na aabot ng mas mababa pa sa 2,000 bawat araw ang maitatalang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng Nobyembre ayon sa independent research group na OCTA nitong Miyerkules, Oktubre 27.

Sa kanyang update sa Twitter, pinunto ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumaba ang daily average ng mga bagong kaso ng bansa mula Oktubre 20-26 ng hanggang 4,848.

“The last time cases were this low was on March 12 to 18,”ani David.

Dagdag ng eksperto, nasa 0.52 ang COVID-19 reproduction number o rate of virus transmission sa bansa.

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

“Based on the current trends, daily cases could decrease to less than 2,000 by end of November,” sabi ni David.

Nitong Oktubre 25, sinabi ng Department of Health (DOH) na mula sa “moderate” risk classification ay nag-improve pa at naging “low” ang risk classification ng bansa matapos ang paglobo ng kaso dala ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Nakapagtala ang DOH ng 4,393 bagong kaso nitong Oktubre 26 dahilan para umabot sa kabuuang 2,765,672 indibidwal angnadapuan ng sakit sa bansa.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso, pinayuhan ni David ang publiko na patuloy na obserbahan ang minimum public health protocols at iwasan ang 3Cs -- confined spaces with poor ventilation; crowded places with no physical distancing; and close-contact settings with face-to-face interaction.

Ellalyn De Vera-Ruiz