Patuloy pa rin ang paghahanap ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos J r.sa kanyang magiging running mate sa Visayas at Mindanao.

Ito ay matapos sabihin ng kapatid ng dating senador na si Senator Imee Marcos sa isang Teleradyo interview nitong Miyerkules, Oktibre 27 na patuloy pa rin ang paghahanap ng ka-tandem nito sa Halalan 2022.

“Very obvious naman ‘yung preference namin, sinasabing may ‘Solid North,’ mas malakas kami sa norte. Si Bongbong may National Capital Region din, malakas din naman kahit paano. Tapos Region 8. Pero medyo takot sa Mindanao, medyo bulag kami doon. So naturally we’re tending towards the Mindanao and VisMin candidates,’ sabi ni Marcos.

Ibinahagi rin ng senadora na hindi nila inasahan ang pasyang hindi pagtakbo pagka-pangulo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Nagulat kami talaga. Hindi namin akalain na hindi pipila. Medyo sidelined talaga kami We did not think that she would not file,” sabi ni Marcos.

“We’re really not ready. Sabi ni Bongbong, ni wala akong Senate slate, ni wala akong ka-partido, ni wala akong vice president," pagbubunyag ni Marcos.

“Bongbong really wanted to have a tandem with Inday Sara. Gusto lang magbise nun kay Inday Sara,’ dagdag niya.

Melvin Sarangay