Proof of full vaccination at isang government issued identification card na lang kakailanganin ng mga biyaherong papasok sa probinsya ng Bohol.

Ngunit sinabi ng local carrier na Philippine Airlines at Cebu Pacific na dapat certificate mula sa vaxcert.doh.gov.ph ang proof of vaccination na ipepresenta, idinagdag na ang dokumento ay kapalit ng negatibong RT-PCR (Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction) result.

Bilang karagdagdagang requirement para makapasok ng Bohol, dapat ding ma-secure ng mga biyahero ang approval via S-Pass na hinihingi ng lokal na pamahalaan.

Naunang inanunsyo ng Cebu City ang pagtanggap nito ng mga biyahero sa pamamagitan lang ng pagpresenta ng vaccination card na may QR Code at isang valid identification card.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kung wala namang QR Code ang vaccination card, kailangang humiling ng certification mula naman sa local health units.

Sa Mandaue City, ang lahat ng bisitang may vaccination card o vaccination certificate ay hindi na hihingan ng negative RT-PCR result. Sinundan ito ng Roxas City.

Nilinaw naman na maituturing na fully-vaccinated ang isang indibidwal 14 araw matapos matanggap ang ikalawang dose sa two-dose series o 14 araw matapos ang single-dose vaccine.

Ariel Fernandez