Nasa kabuuang 200 manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang sasailalim sa training upang maging freelance food delivery riders ng foodpanda Philippines, isa sa mga kilalang food delivery online platforms sa bansa.

Pormal na nilagdaan ang kasunduan ng training program sa pagitan ng Quezon city government at foodpanda Philippines nitong Miyerkules, Oktubre 27. Suportado ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbigay ng mga bisikleta na gagamitin ng mga trainees sa ilalim ng BIKECINATION project.

“We are really thankful to our local governments because they have been very active in extending assistance to workers displaced by the pandemic,” sabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.

“We commend our partners—the Quezon City government and foodpanda Philippines—for embarking on this noble initiative,” dagdag niya.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ang mga donasyong bisikleta ng DOLE ay bahagi ng ‘pandaBIZikleta’ project ng foodpanda katuwang ang Quezon City government na magbibigay opurtunidad sa mga nawalan ng trabaho na kumita bilang food delivery riders.

Nagkasundo sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang foodpanda Philippines managing director na si Daniel Marogy na makipag-ugnayan sa DOLE upang maibsan ang nararanasang hirap ng mga manggagawang nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

“We are helping our displaced workers and at the same time protecting our environment through this joint partnership,”sabi ni Belmonte sa naging kasunduan sa pagitan ng foodpanda Philippines at ng local na pamahalaan.

“We continue to innovate and look for solutions to ease the suffering of hardworking employees who, through no fault of their own, have lost their jobs due to this pandemic,”dagdag ng alkalde.

Para naman kay Marogy, ang pandaBIZikleta project ay parte ng corporate social advocacy at sustainability programs ng kompanya.

“We advocate the use of bicycles as part of foodpanda Philippines’ Sustainability Program because it helps promote clean air and good health which are vital factors in making communities more sustainable,” sabi ni Marogy sa isang pahayag.

Upang mapabilang sa programa, dapat i-refer ng Public Employment Service Office ang displaced worker mula Quezon City edad na bababa sa 18 taong-gulang dala ang NBI (National Bureau of Investigation) o police clearance.

Magiging independent contractors para sa foodpanda sa loob ng tatlong buwan ang mga benepisyaryo ng programa, sabi ni Belmonte.

Sa kasunduan, magtatakda ng recruitment para sa 200 beneficiaries para isailalim sa orientation at training.

“We are excited to witness the growth and expansion of the pandaBIZikleta project throughout the country,” sabi ni Marogy.

Si Leopoldo de Castro Jr., ang finance director of foodpanda Philippines ang humarap sa signing ceremony nitong hapon ng Maiyerkules, Oktubre 27 sa Office of the Mayor sa Quezon City Hall. Kasama rin ni Belmonte sa agreement signing si Judith Tubil,  ang head of foodpanda Philippines’s People & Culture division.

Aaron Recuenco